Tuesday, March 15, 2011

Ganon pa rin eh.

Kung matatandaan ang entry sa isang kaibigang napapalayo. Tungkol pa sa kanya ang entry na ito.

Akala ko okay na kame eh. Nag-usap na kame tungkol sa nangyari. Nahalata na rin pala nya na may problema kaya kinunsulta nya ako. Ipinaliwanag ko naman ang nararamdaman ko. Humingi kame ng dispensya sa isa't isa dahil sa isang misunderstanding.

Pero misunderstanding nga lang ba?

Hindi kase nabago eh. Nai-open lang feelings namin pero hindi na bumalik yun dati.

Mas nasasaktan ako ngayon dahil sa akala kong alam na nya ang naramdaman ko nung una. Kaso ganon pa rin.

No comments:

Post a Comment