Tuesday, February 8, 2011

I remember.

Lumabas ako kagabi. Kumain sa 8065 Bagnet with Jhen, dumaan si Homer pero umalis din agad. Sa Starbucks na nakasunod sila Thina and Terence.

Habang hinihintay namin ni Jhen sila Thina and Terence, nagkukwentuhan kame. Napag usapan si super ex nya. Nasingit ko saglit si Werner. Pero hindi ko alam kung baket mas naisip ko si Raymund.

Hindi ko na rin maalala ng masyado ano mismo yun topic nung maalala ko yung isang kinakikiligan ko kay Raymund.

Bigla ko lang kase naalala yun time na naramdaman at nasabi ko sa kanya na mahal ko na sya, hindi nya ako sinabihan kaagad ng nararamdaman nya. Hindi ako nage-expect non kase alam ko naman na usapan namin na bawal nga ang mag-in love.

Alam ko na lang kinabukasan non sinabihan nya ako ng mahal din nya ako. Na kung alam ko lang daw, na habang natutulog ako binubulungan nya ako ng "I love you". Nung nasabi nya saken yon non, ang tuwa ng puso ko. Hahaha

Ngayon ko na lang ulet naalala to, hindi ko ata naisama to sa OGL entry ko nung 2009.

Habang nagkukwentuhan kame ni Jhen, well habang nagkukwento sya (at nakikinig naman talaga ako), pumasok lang talaga sa isip ko yun moment na yon. Gusto ko i-kwento kay Jhen, pero ayoko putulin ang pagku-kwento nya.

May konting saya ako na-feel nung naalala ko yun moment na yon. Hindi ako kinilig. Pero alam mo yon, naramdaman mo ulet yun saya mo non. Kahit ilang segundo lang. Ang sarap eh. Hindi ko ma-explain. Pero may joy talaga ako na-feel. Limang taon na rin pala yon, pero ngayon ko lang ulet naalala. Ang parati ko naalala lang eh yun nagising ako na nasa tabi sya ng bed at pinapanood akong matulog.

Oh well, di tuloy ako makatulog pag-uwi ko. Inabot pa ako ng pasado alas-kwatro dahil naalala ko sya. Wala namang masama naalala ko sya diba?! Ayoko isipin na pag dumarating ako sa ganitong punto na baka kase mahal ko pa sya. Pero diba, OGL ko sya eh.

No comments:

Post a Comment