Yesterday was double kilig day for me.
Super cranky ako nung morning pa lang. Dahil gutom ako. Iritado ako ng bongga. Buti at naka-chat ko si Peewee at sinabihan akong kumain. Magpaluto na lang daw ako ng spam and egg. Nakinig naman ako at nagpaluto at kumain.
Gumanda na mood ko syempre.
Tapos pa, itong si Pow nag post sa wall ko. Kinilig ako ng bongga. As in. Hahaha
We all love Pow. At least mga Powettes ah. Di ka ba kikiligin pag ganyan ang sinabi sayo? I know wala lang yan, expression nya kumbaga dahil sa sinabi ko. Pero wala lang, kakilig lang. Fan ako eh, tapos ayun. Basta, kahit di mini-mean yan, kilig ako. Hahaha
Kay Pow lang din ako kinikilig ng bongga habang nung kame pa ni Jaypee at habang kinikilig ako sa kanya ay pakiramdam ko nagtataksil ako kay Jaypee. Hahaha pero sya lang din ang pinayagan ako ni Jaypee non na mahalin ko raw at kahit kiligin ako di daw sya mag-worry. Ay confident si gago. Hahaha
Ayun lang. Nakakalamang man sila Sally, Otch and Jhen saken sa pagdikit, kausap at pa-picture kay Pow. Well, nag-labyu sya saken. Bwahahaha (wala kayang sasagot saken mamaya ng "keep telling yourself that"? :D)
Tapos, nalaman kong manonood ng Resident Evil: Afterlife itong kapatid ko. Tinanong ako kung gusto ko sumama, tanong or nag-aya. Basta ganon. Inaya ko rin si Jemjem.
Ay naku ang excitement ko, kaloka. Di nako mapakali. Hahaha
Nung bumili kame sa Taters, merong life size or higante size na pala, na poster sila Wentworth Miller, Milla Jovovich and Ali Larter, gustong gusto ko magpa-picture sa poster ni hubby. Kaso nahiya ako. Pero potah pa rin yun kilig ko.
Sabi ko after na lang ng movie ako magpa-picture don, kaso na-realize ko, sa kabilang theatre pala kame manonood. Asar.
While watching, sus sa umpisa pa lang pagkakita ng pangalan ni Wentworth, kinilig na naman ako.
Eh di lalo na nung lumabas na sya, yun kapatid ko tumingin na saken. Sabi nya "yan na" bwahahaha si Jemjem na katabi ko naman sa kanan ko, sabi din nya "yan na" hahahahaha
Di ko na naintindihan yun pelikula, I swear. Kinilig na lang ako ng kinilig, tinitigan ng tinitigan si Wentworth Miller. Pagtapos nung movie, parang sabi ko na lang "maganda ba yun pelikula? Di ko naintindihan eh" hahahahaha
Yun mga fight scenes nya, mas nakakakilig pa. Ang gwapo nya. Pag nabubugbog sya, gusto ko tulungan eh. Kaloka.
Ang gwapo nya, I swear mababaliw ako.
I'm so happy also na kasama ko kapatid ko at si Jemjem. Tapos nakapag strawberry banana blizzard pa ako. Yey!
Thursday, September 16, 2010
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment