Monday, July 26, 2010

i'm weak.

I know everyone is expecting me to be okay. To smile. To laugh. To joke around. To be strong.

I know how to pretend when I'm hurt. I can smile, laugh, joke around. Yan ay before.

I cry when I'm alone. I dont talk much.

This isn't the first time na masaktan. Mas grabe pa naramdaman kong saken nung pinagsisinungalingan ako ni Werner at yun lagi syang nawawala. Mas masaket pa yun pag-iwan saken ni Raymund at sabihan akong di na kame pwede pang magkausap ulet or magkita man lang.

Nakipaghiwalay si Jaypee saken. At least nga naman nagka-balls sya to tell me na maghiwalay na lang kesa lokohin or iwanan akong bigla. Pero after almost isa't kalahating linggo yon na di nya ako tinext. (Counted ba yun one time na tinawagan nya ako at tinanong lang kung nagising ba nya ako. Kung san daw ako galing at baket inumaga ako pag-uwi?)

Nasasaktan ako at nahihirapan na akong itago.

3 years MU, 2 months naging kame. Pero masaket. At ang hirap, wala akong magawa. Hindi ko na alam pano libangin sarili ko. Pano ako nakaligtas 5 years ago kay Werner? Pano ko natakasan 3 years ago yun kay Raymund?

Ano nga ba ang totoong dahilan ng pakikipaghiwalay nya sa akin? Bukod sa sinabi nyang ayaw nya na maramdaman kong nai-ignore nya ako, na hindi ako magiging masaya sa kanya,
na hindi enough ang kaya nyang ibigay saken, na marami pa syang problemang pinagdadaanan, na di pa sya totally healed (kay Joyce).

Hindi enough eh. Merong mas rason pa and gusto kong malaman. Pero ayaw nyang sabihin saken at hinayaan na nya akong hanggang don lang ang alam ko.

Naguguluhan ako.

Nasasaktan ako.

Hindi ko maitago.

Eto ang panahon na hindi ko kayang ipakita sa mga tao ang lakas ko. Pagpasensyahan nyo sana ako.

No comments:

Post a Comment