Monday, July 26, 2010

i'm weak.

I know everyone is expecting me to be okay. To smile. To laugh. To joke around. To be strong.

I know how to pretend when I'm hurt. I can smile, laugh, joke around. Yan ay before.

I cry when I'm alone. I dont talk much.

This isn't the first time na masaktan. Mas grabe pa naramdaman kong saken nung pinagsisinungalingan ako ni Werner at yun lagi syang nawawala. Mas masaket pa yun pag-iwan saken ni Raymund at sabihan akong di na kame pwede pang magkausap ulet or magkita man lang.

Nakipaghiwalay si Jaypee saken. At least nga naman nagka-balls sya to tell me na maghiwalay na lang kesa lokohin or iwanan akong bigla. Pero after almost isa't kalahating linggo yon na di nya ako tinext. (Counted ba yun one time na tinawagan nya ako at tinanong lang kung nagising ba nya ako. Kung san daw ako galing at baket inumaga ako pag-uwi?)

Nasasaktan ako at nahihirapan na akong itago.

3 years MU, 2 months naging kame. Pero masaket. At ang hirap, wala akong magawa. Hindi ko na alam pano libangin sarili ko. Pano ako nakaligtas 5 years ago kay Werner? Pano ko natakasan 3 years ago yun kay Raymund?

Ano nga ba ang totoong dahilan ng pakikipaghiwalay nya sa akin? Bukod sa sinabi nyang ayaw nya na maramdaman kong nai-ignore nya ako, na hindi ako magiging masaya sa kanya,
na hindi enough ang kaya nyang ibigay saken, na marami pa syang problemang pinagdadaanan, na di pa sya totally healed (kay Joyce).

Hindi enough eh. Merong mas rason pa and gusto kong malaman. Pero ayaw nyang sabihin saken at hinayaan na nya akong hanggang don lang ang alam ko.

Naguguluhan ako.

Nasasaktan ako.

Hindi ko maitago.

Eto ang panahon na hindi ko kayang ipakita sa mga tao ang lakas ko. Pagpasensyahan nyo sana ako.

Monday, July 5, 2010

Happy.

I am happy today. ☺

Because of Boo. He made me smile big time last night before matulog. Super kilig naman ako na nawala tuloy ang antok ko. He said last night na may naka-reserve pa raw syang mga pampangiti saken. Wag sana maubos no?!

Hanggang this morning, may pakilig pa rin sya.

I'm falling for him and I cant help it. ♥

Medyo scared lang ako kase alam ko may kakumpitensya pa ako. I know naman na di pa strong ang feelings nya for me. And I am not sure pag sinasabihan nya ako ng "Yabyu" eh meron talagang love. Unless, tinatago na nya yon before pa. Kase alam ko noon na nagpipigil sya dahil kay Joyce.

Anyway, gusto ko lang mai-blog ito para di ko makalimutan. Gusto kong maalala ng paulit ulit kung paano nya akong napapa-ngiti.

Isa pa, happy din para sa mga kaibigang nagka-ibigan. ☺