Nalulungkot ako.
Feeling ko, napapalayo na ako sa isang kaibigan. Hindi ko masabing naagaw na sya ng iba dahil kaibigan ko rin ang bagong kasundo nya.
Pero nararamdaman ko na masyado ang pagbabago. Hindi na ako ang tinatawagan kapag merong gustong ikwento. Hindi na rin ako ang unang nakakaalam sa mga balitang sanay na akong ako ang unang may alam.
Hindi sa selfish ako, pero minsan lang kase ako magkaron ng ganong kaibigan.
Hindi na ako ang madalas nyang hinahanap or tinatawag pag may biglang gusto sya sabihin. Or may nakakatuwang nangyari.
Nahuhuli na ako masyado sa balita.
Pag ako ba ang kaibigan mo, at sa tuwing may nira-rant ka at nakikinig lang ako at hindi masyado palasalita, wala ba akong dating sayo?
Pasensya na, mas nakikinig ako at di talaga pala komento. Pero hindi dahil di ako nagsasalita ay hindi ako concern sayo. Hindi dahil tahimik ako ay hinahayaan lang kita sa mga decision mo.
Tuesday, October 19, 2010
Subscribe to:
Posts (Atom)