3rd month sana namin today.
Simula kahapon, nagsimula na ang pagre-reminisce ko sa mga nangyari nung July 9, 2010. Ngayon naman July 10, 2010. Ganitong oras nung nakaraang buwan, nag-aayos nako eh. Habang ka-text ko sya at pinag-uusapan namin kung paano kame magkikita para sa dinner date namin. Super excited pa ako non, di ko alam isusuot ko. Nagkukulot ako ng buhok habang natatakot sa lakas ng kulog, kidlat at ulan. Habang kausap ang pinsan ko at ka-text ko sya.
Nakakatawa pa, may time pa na biglang kumidlat ng malakas, niyakap ko yun hawak kong salamin. Natawa kame bigla ni Valerie kase imbes ilayo ko yun salamin, niyakap ko pa.
Di ako mapakali non, hinintay namin humina ang ulan para makapag-dinner na kame. Halos 9pm na nung humina ang ulan. Di na namin pinatigil kase malabo na. Kaya hinatid na lang ako ng bf ng pinsan ko sa Enzo.
Bago ako bumaba, nakita ko sya. Nakatayo sa kabilang kanto, naka t-shirt, naka-shorts. Pero kunyari hindi ko sya nakita. Pagbaba ko ng motor, kunyari naghahanap ako hanggang lumapit sya samin.
Naka violet sya na tshirt, halos kakulay ng jacket ko. Ang ayos ng buhok nya. Ang bango at ang gwapo nya.
Umalis na si Edwin at pumasok na kame ng resto. Humanap ng table. Pag upo namin, inabutan kame ng menu ng waiter. Hmm chinese food sine-serve nila. Ok, I ordered sweet & sour pork and mango shake. He ordered buttered chicken, chopseuy, pinapple juice and 2 plain rice.
Habang nag-aabang ng pagkain, pinanonood namin yun band. Katulad ng lagi ko ginagawa, sumasabay ako sa pagkanta nila. Aba, nakita ako ng vocalist at sabihang mag-jam sa kanila. Yoko nga. Alala ko pa, puro lumang emo songs.. Alone, All out of love, etc. May konti rin kame kwentuhan. At tinanong ko sya kung ano yun sasabihin nya saken na gusto nya sa personal nya ikwento. Sabi nya mamaya na raw.
Dumating pagkain namin, ang dami. Kaya tinanong nya ako kung kumain na ba si Valerie. Tawagan ko raw at pasunurin ko dahil ang dami naming pagkain.
Kaya pinasunod ko naman si Ler, kaso patapos na kame nung dumating sya.
Umuwi rin sya after kumain, kame naman naghintay ng jeep para makapunta na sa rest house. Ang lakas kaya ng ulan.
Sabi ko, gusto ko kulay ng shirt nya. Kakulay ng jacket ko. Sabi nya "soulmate" natawa kame. At sabi ko sa kanya "nakita mo na kaya suot ko ito kagabi." Natawa lang ulet kame pareho.
Tagal din before may dumating na jeep. At ng may dumating, syempre tinakbo namin at basa kame ng ulan. Kwento pa sya na kung alam ko raw ba na kapag umulan at tumakbo ka ay mas malaki ang chance mabasa ka kesa maglakad. Sabi ko alam ko yon. Kinuwento pa nya na sinabi daw nya kay Gee yon dati, at natawa raw sya ng makita nyang sinubukan agad ni Gee yon. :D
Bumaba kame sa may 7-Eleven para bumili ng Tanduay Ice, yosi, chips, ice and water. Hindi na rin daw kame masusundo ni Dic kase mababasa rin kame kung mag-motor pa kame. Kaya nag-trike na lang kame.
Bad trip pa ako non, kase may nadaanang matubig at basa ako. PMS pa pala ako non ng hindi ko alam, kaya iritang iritado ako.
Nilalamig pa ako sa ice na nakasandal sa binti ko.
Pagdating namin sa rest house, slight nakasimangot ako. Kase kahit papano, gusto ko yun tipong maging concern sya saken na nabasa ako. Or lambingin man lang.
Later on, nilagay na namin yun drinks and ice sa ref. Naki-cr ako, nag-sounds kame. Nag kwentuhan saglit tapos kumuha na ng tig-iisang bote ng TI.
Inom, yosi, kwentuhan, kulitan ng konti. Medyo bored ako.
Pinarinig ko rin mga songs sa Fired Up album ng FlipMusic.
Di nagtagal, iniwan na kame ni Dic para matulog. Kame na lang ang nagkwentuhan.
Don na nya kinuwento lahat ng mga hinaing at galit nya kay MJB. Sa panahong to, bad trip din ako sa babaing yon dahil sa mga ginawa nya. Makapal ang mukha nya.
May moment pa, babaw pero kinilig ako. 3 pa kame non eh, nakapatong paa sa lamesa, sya naman parang tinapik nya ng paa din nya binti ko. Basta.
Maraming times din, nakikita ko sya sa peripheral view ko na tinitignan nya ako. Or kapal na lang ng muka ko to para yon ang maramdaman ko.
Tapos tipong pag mapapatingin ka na, sa iba na titingin. In fairness, may ilang beses din naman na tinitignan ko sya at pag mahuhuli na nya ako, lumilipat na direction mata ko.
Nung gabing yon, sa mga napag usapan namin.. Naramdaman ko na parang This is it. Mukhang pupunta na sa malalim na relasyon to. Handa na ako maging love nga sya.
Nakatulog sya ang sarap ng pakiramdam kase nakayakap sya saken. At pag ginigising ko sya, ngumingiti sya at iki-kiss ako. Tapos biglang pipikit ulet. Matatawa ako at gigisingin ko na naman sya.
Nung hinahatid na nya ako pauwi, nakayakap ako sa kanya. Tinanong ko kung di ba sya nilalamig. Sabi nya hindi kase nakayakap daw ako sa kanya. Sabi ko kahit bingi ako narinig ko yon. Natawa kame parehas.
Masaya naman yun pag-celebrate ng second monthsary namin. I didnt get him anything kaya masama ng slight loob ko. Plan ko pag uwi ko na lang dito saka ako bibili and padadala ko na lang. Or babawi na lang ako for his birthday. Dami ko na naiisip iregalo sa kanya eh. Gusto ko sana bilihin yun gusto nyang bag sa Nike. Naisip ko rin itanong kung anong gusto nyang perfume. Or sana baka bilihan ko sya ng Havs or Sanuk. Kahit shorts or polo sana.
Ayoko makalimutan yun gabing yon. Kahit alam kong pinipilit namin parehong wag magkahiyaan, alam kong meron pa rin. Pero masaya pa rin ako at kasama ko sya.
Ang saklap, kase kung kelan handa na ako ibigay talaga pagmamahal ko, saka sya nag-desisyon makipaghiwalay.
Tuesday, August 10, 2010
Subscribe to:
Posts (Atom)